LALAKI NAGTANGKANG MAGNAKAW PARA SA YOSI
Tinangkang pagnakawan ng 35-taong-gulang na lalaki, na kinilalang si Kazumu Matsuda, ang isang matandang babae, na nasa 80s, sa kanyang apartment sa Arakawa Ward bandang 3:30 ng hapon noong Setyembre 13.
Ang pagnanakaw ay bunsod ng kakulangan sa pambili ng sigarilyo at iba pang gamit ng suspek. Ayon sa ulat ng Fuji TV, sinundan ni Matsuda ang biktima sa sinakyan nitong elevator hanggang sa mismong apartment nito.
Nang makapasok ang matanda sa kanyang apartment ay tumawag ang suspek sa intercom upang ipaalam na nahulog umano ang pitaka nito. Dito na nagpumilit na pumasok sa apartment at humingi ng pera ang suspek, na may dalang patalim.
Walang nanakaw si Matsuda matapos tumakbo sa ibang kwarto ang biktima. Naaresto ng mga pulis ang suspek matapos siyang matukoy sa surveillance camera footage ng apartment building.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
- News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
- News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”
- News(Tagalog)2024/12/02Ni-raid ng mga pulis ang 4 na lugar na nauugnay sa grupong Vietnamese na pinaghihinalaang nag-shoplift sa Japan