APLIKASYON PARA SA JAPAN TOURIST VISA, BINUKSAN NA PARA SA MGA PILIPINO
Nagsimula nang tumanggap ang Japan Embassy sa Maynila ng aplikasyon para sa visa ng mga Pilipinong turista na nagbabalak bumisita sa Japan simula Oktubre 11.
Ayon sa Embahada, bukas na sila para sa aplikasyon ng lahat ng uri ng visa simula Oktubre 4 kabilang ang temporary visitor para sa individual travel, visiting friends at multiple-entry.
Inanunsyo rin ng Pasuguan na hindi na kailangan ng mga papasok sa Japan namagrehistro sa Entrants, Returnee Follow-up System (ERFS).Hindi na rin kailangan ng written pledge mula sa nag-iimbita kung ang isang aplikante ay mag-a-apply ng visiting friends visa, dagdag pa nito.
Dinagdag din ng Japan Embassy na aalisin na ang suspensyon sa multiple-entry visa atAPEC Business Travel Card at maaari na muli itong magamit simula Oktubre 11 kung ito ay may bisa pa.
Saad pa ng Embahada na hindi na kailangan magpakita ng negative COVID-19 certificate ang mga papasok sa Japan kung sila ay nakatatlong dosis na ng bakuna laban dito.Habang kailangan naman ito ng mga nakadalawang dosis pa lamang at kinakailangan na isinagawa ang test 72 oras bago ang biyahe.
Pinapayuhan din ng Pasuguan ang mga biyahero na gamitin ang “Fast Track” at “VisitJapan Web” para sa madaling customs, immigration at quarantine na proseso.
Matatandaang inanunsyo kamakailan ni Japanese Prime Minister Fumio Kishida angdesisyon ng gobyerno na muling buksan ang bansa para sa visa-free, independent tourism matapos ang halos dalawang taon at kalahati na paghihigpit dulot ng COVID-19 pandemic.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
- News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
- News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”
- News(Tagalog)2024/12/02Ni-raid ng mga pulis ang 4 na lugar na nauugnay sa grupong Vietnamese na pinaghihinalaang nag-shoplift sa Japan