今週の動画

100 YEN PRESYO NG KAITEN-SUSHI, TATANGGALIN NA

Nag-anunsyo ang nangungunang kaiten-sushi sa Japan na Sushiro na ihihinto na nila ang pag-aalok ng ¥100 sushi plate sa kanilang restaurant simula Oktubre. Ito ay kasabay ng pag-taas ng halaga ng mga raw ingredients na ginagamit sa pag-luto ng sushi. Ang karibal na restaurant ng Sushiro na Kura Sushi ay nagpahayag din na tatanggalin na din sa kanilang menu ang ¥100 sushi sa parehong kadahilanan. 

Mula sa ulat ng Nippon news, ang Tokyo Shōkō Research ay nagpatakbo ng isang survey na tumitingin sa 122 pangunahing mga Japanese restaurant chain ng mga pagbabago sa presyo mula Enero hanggang unang bahagi ng Setyembre 2022. Humigit-kumulang 71, o humigit-kumulang 60%, sa mga kumpanyang iyon (kumakatawan sa 88 brand) ang nag-anunsyo ng mga pagtaas ng presyo. Sa 88 restaurant brands na kanilang kinatawan, 16 ang “Chinese and ramen”, 12 ang “steak and yakiniku barbecue” at 12 ang “fast food”. Ang mga presyo ng mga item sa menu ay patuloy na tumataas, pangunahin sa mga kategorya ng negosyo na lubos na umaasa sa mga imported na hilaw na materyales, tulad ng trigo at karne ng baka. Mula sa simula ng taong ito, limang chain ang dalawang beses na nag-anunsyo ng pagtaas ng presyo.

Dahil sa padating na taglamig, nagkomento din ang Tokyo Shoko Research na maaring magkaroon pa ulit ng karagdagang pagtaas ng presyo kapag ang demand ng gasolina ay umabot sa peak, kasunod na nito ay posibleng pagtaas ulit ng presyo ng mga bilihin.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!