今週の動画

MULING PAGBUBUKAS NG JAPAN SA TURISMO, PINAGHAHANDAAN

Muling nagbubukas ang industriya ng turismo ng Japan sa darating na Oktubre 11. Ang pagbubukas ng turismo ay inaantabayanan ng mga negosyante na umaasang makakabawi sa halos dalawang taon na mahinang kita dahil sa epekto ng paghinto ng pagpapasok ng turista bilang pag-kontrol sa paglaganap ng Covid-19 sa bansa.

Inaasahang dadagsain ang bansang Japan sa muling pagbubukas nito sa turismo dahil na rin sa mababang halaga ng yen bersus dolyar. Mula sa balita ng Straitstimes, isa sa mga may-ari ng ski resort sa Hokkaido ay masayang nagpahayag na maganda ang bilang nga mga reserbasyon na kanilang narereceive para sa darating na tag-lamig.

Ang paggastos ng mga papasok na manlalakbay ay umabot sa 4.8 trilyon yen (S$47.7 bilyon) noong 2019 bago magsimula ang mga lockdown, ayon sa Nomura Research Institute. Ang tanong ngayon ay kung gaano karami ang babalik nito, at gaano kalapit.

Sa unang bahagi ng taong ito, nanguna ang Japan sa Travel & Tourism Development Index ng World Economic Forum – na sumusukat kung gaano kabisa ang mga patakaran sa pagpapagana ng napapanatiling pag-unlad ng sektor ng paglalakbay at turismo.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!