“RAINCOAT MAN”, NAHULI SA OSAKA
Inaresto ng mga opisyal mula sa Abeno Precinct ng Osaka Prefectural Police si Yoshio Yoda, isang 51 taong gulang na deliveryman ng isang pahayagan dahil sa serye ng mga pagnanakaw ng mga kapote ng kababaihan. Si Yoda ay inakusahan ng pagnanakaw ng kapote o kappa sa salitang hapon. Ito ay gawa sa vinyl o plastic na ginagamit tuwing umuulan.
Ayon sa ulat ng Japan Today, ang mga biktima ay inaabangan ni Yoda sa parking lot. Pinipili nya ang mga bisikleta na may kalakip na upuan ng bata at may kulay na pambabae. Tinitignan nya rin kung ang may-ari nito ay nag-iwan ng kapote at kung mayroon nga, kanya itong mamarkahan.
Naniniwala ang kapulisyahan na nasa 320 na piraso ng kapote ang kanyang nakolekta ng siya ay magsimulang magnakaw noong Disyembre 2013 hanggang May ng kasalukuyang taon. Ito ang nagtulak sa mga kinauukulan na siya ay tawaging “The raincoat man“.
Tintayang nasa 3,200 yen ang halaga ng bawat piraso ng kapote at hinihinalang aabot sa 3.2 milyong yen ang kabuuang halaga ng kanyang nanakaw.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
- News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
- News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”
- News(Tagalog)2024/12/02Ni-raid ng mga pulis ang 4 na lugar na nauugnay sa grupong Vietnamese na pinaghihinalaang nag-shoplift sa Japan