今週の動画

STATE FUNERAL NI DATING PRIME MINISTER ABE, MAG-SISIMULA NGAYON

Ngayong Martes, bandang alas dos ng hapon, sisimulan na ang kontrobersyal na state funeral ng napaslang na dating Prime Minister Shinzo Abe. 

Maalalang si Abe ang pinakamatagal na naglilingkod sa punong ministro ng Japan at isa sa mga pinakakilalang politiko sa bansa, na kilala sa paglinang ng mga internasyonal na alyansa at sa kanyang diskarte sa ekonomiya na Abenomics.

Nagbitiw siya noong 2020 dahil sa paulit-ulit na problema sa kalusugan, ngunit nanatiling pangunahing boses sa pulitika at patuloy nangangampanya para sa kanyang nangungunang partido nang siya ay barilin habang nagtatalumpati noong Hulyo 8.

Ang pagpaslang kay Abe ay naging isang malaking balita hindi lang para sa bansang Japan, pati na rin sa buong mundo. Ang bansang Japan ay kilala na isa sa mga bansang may mahigpit na batas sa pag-mamayari ng baril at isa din sa bansang may mababang crime rate sa mundo. 

Ngunit ang desisyon na bigyan siya ng state funeral, ang pangalawa lamang para sa isang dating lider sa postwar period, ay sinalubong ng protesta at pagsalungat. Halos 60% ng resulta ng botohan ay nagsasabing hindi karadapat dapat bigyan ng state funeral ang dating Prime Minister.

Ayon sa akusado na pumatay kay Abe, pinaniniwalaan na siya ay may kaugnayan sa Unification Church kung saan ang ina ng akusado ay nag-donate ng malaking halaga. 

Ang rebelasyon na ito ay nag-udyat ng pagsisiyasat sa simbahan at pagpopondo nito. Nangako ang kasalukuyang Prime Minister Fumio Kishida na puputulin ng kanyang partido ang lahat ng ugnayan sa simbahan, ngunit ang iskandalo ay nakadagdag sa pag-kontra sa pagbibigay ng State Funeral sa napaslang na prime minister.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!