HINDI PAG-SUOT NG MASK SA MGA HOTEL IPAGBABAWAL
Isinasaalang-alang ng gobyerno ng Japan na payagan ang mga hotel na tanggihan ang pagtanggap sa mga bisitang hindi nagsusuot ng mask at hindi sumusunod sa mga patakaran at hakbang para sa pag-kontrol ng paglaganap ng Corona virus ayon sa ulat ng Fuji News Network.
Ang gobyerno ay magsusumite ng isang panukalang batas sa isang pambihirang sesyon ng Diet sa susunod na buwan na magbabago sa batas na namamahala sa mga hotel at inn, na magbibigay-daan sa kanila ng higit na kapangyarihan upang ipatupad ang mga hakbang sa impeksyon, ayon din sa na network.
Kasabay ng panukala ay ang planong pagpapagaan ng rules sa pagpapapasok ng mga turista at pag-sisimula ulit ng visa free entry sa mga piling bansa.
Ang Liberal Democratic Party ay nakatakdang pagdebatehan ang mga hakbang sa pagpapagaan ng border-entry sa Huwebes.
Ang Punong Ministro ng Japan, na lumipad patungong New York para sa United Nations General Assembly Meeting, ay inaasahang magbibigay ng pahayag sa pagpapagaan ng border entry sa kanyang talumpati sa Newy York Stock Exchange.
Sa kasalukuyan, ang pagsusuot ng mask ay hindi sapilitan sa Japan ngunit mahigpit na inirerekomenda sa loob ng mga shops at sa pampublikong sasakyan.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
- News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
- News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”
- News(Tagalog)2024/12/02Ni-raid ng mga pulis ang 4 na lugar na nauugnay sa grupong Vietnamese na pinaghihinalaang nag-shoplift sa Japan