EVACUEES MULA AFGHANISTAN UNTI-UNTING UMAALIS DAHIL SA KAKULANGAN NG SUPORTA
Nasa 169 na tao ang lumipad papuntang Japan upang tumakas sa Afghanistan simula ng bumalik ang Taliban sa kapangyarihan noong Agosto ng nakaraang taon.
Ang gobyerno ng Japan ay nagbigay ng refugee status sa 98 na katao subalit lagpas sa kalahati ng mga ito ay nagdesisyon na bumalik na sa Afghanistan sa kabila ng panganib. Pitong katao naman ay lumipad patungong Estados Unidos at Britanya.
Mula sa ulat ng Japan Times, isa ito sa pambihirang pagkakataon kung saan ang gobyerno ng Japan ay nag-apruba ng malaking bilang ng aplikasyon bilang refugee sa bansa. Ang bansang Japan ay kilala bilang isa sa mga bansa na may mahigpit na patakaran sa screening ng refugee at mababang rekord ng pagtanggap ng mga naghahanap ng asylum.
Ang Taliban ay bumalik sa kapangyarihan matapos magdesisyon ang gobyerno ng Amerika na pauwiin na ang kanilang sandatahang lakas matapos ang 20 taon.
Simula Oktubre hanggang Disyembre ng nakaraang taon, ang mga dumating na refugee ay sinuportahan sa pamamagitan ng pagbigay ng pabahay, pagkain at buwanang sweldo. May ilang nagsabi na sila ay pinababalik na sa kanilang bansa sa kadahilanang ang kanilang kontrata sa trabaho ay malapit na matapos.
Ayon sa mga refugee, ang mga kawani ng ministeryo ay bumisita sa kanilang mga tahanan at sinabi sa kanila na ang paninirahan sa Japan ay magiging mahirap at ang isang desisyon kung manatili o aalis ng bansa ay kailangang pag-usapan sa kanilang mga pamilya. Sila ay sinabihan na sakaling bumalik sila sa Afghanistan, sasagutin ang kanilang mga gastos sa paglalakbay at tatanggap sila ng 20 porsiyentong pagtaas ng suweldo.
Karamihan sa mga lokal na kawani ng embahada na tumakas sa Afghanistan ay nagsasalita ng Ingles sa halip na Hapon na nagpapahirap sa kanila na makahanap ng trabaho. Sinabi ng tanggapan ng Hello Work na mayroon lamang silang 1 porsiyentong pagkakataon na makakuha ng trabaho sa Japan, ayon sa isang evacuee.
Ang iba pang mga kadahilanan ay nagpadagdag sa kanilang mga pakikibaka. Ang kanilang mga anak ay hindi nakapasok sa paaralan hanggang sa tagsibol, kapag nagsimula ang taon ng pag-aaral sa Japan, at tanging ang mga asawa at mga anak lamang ang maaaring dalhin sa Japan, hindi ang iba pang malapit na miyembro ng pamilya tulad ng mga magulang at kapatid.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
- News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
- News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”
- News(Tagalog)2024/12/02Ni-raid ng mga pulis ang 4 na lugar na nauugnay sa grupong Vietnamese na pinaghihinalaang nag-shoplift sa Japan