MIKIZO UEDA NA KINILALANG PINAKAMATANDANG LALAKI SA JAPAN, PUMANAW NA SA EDAD NA 112
Si Mikizo Ueda ay ipinanganak sa Nara, Japan noong Mayo ng 1910. Kasunod ng kanyang pagpanaw ay ang nakatakdang pag deklara ng kanyang kapalit bilang pinakamatandang lalaking nabubuhay sa Japan.
Base sa ulat ng Janam Online, ang bansang Japan ay isa mga bansang naitalang may pinakamahabang life expectancy sa buong mundo.
Ang Guinness World Record holder bilang pinakamatandang babae na nabuhay sa mundo na si Kane Tanaka, 119 anyos mula sa Fukuoka prefecture ay pumanaw netong Abril ng kasalukuyang taon. Sa ngayon, si Fusa Tatsumi mula sa Osaka ang bagong nag-mamay-ari ng rekord sa edad na 115.
Matatandaan na si Jiroemon Kimura ang naitalang longest-living man sa Guinness World Book of Records na pumanaw sa edad na 116 at 54 na araw noong Hunyo 2013 ay mula rin sa Japan.
この記事を書いた人

最新の投稿
News(Tagalog)2025/01/06Ang iconic na Ferris wheel ng Yomiuriland ay titigil sa operasyon sa susunod na linggo, na magtatapos sa 44 na taong kasaysayan nito dahil sa kalumaan
News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”