NAIWAN NA BATA SA BUS, PATAY
Isang babae na nasa 3 taong gulang ang natagpuang patay sa loob ng school bus ng isang kindergarten school noong Lunes sa Shizuoka Prefecture.
Mula sa ulat ng Kyodo news, ang bata ay nagngangalang China Kawamoto ay hinihinalang namatay sa heatstroke ayon sa Shizuoka Fire Department. Sinabi din ng pulisya na maaaring ituloy ang pag-imbestiga sa kaso ng kapabayaan na nagresulta sa pagkasawi ng bata.
Ayon sa report, lima pang bata at isang staff na nasa kanyang 70s ang sumakay din sa bus at ang principal ng school ang nagmaneho para sunduin ang mga bata.
Ika 2 ng hapon ng bumalik ang staff sa bus upang ihanda ang sasakyan para ihatid ang mga bata sa kanilang bahay pauwe at doon nadiskubre ang katawan ni China na may mataas na temperatura. Siya ay agad na itinakbo sa ospital.
Isa ding batang lalaki ang namatay sa heatstroke noong nakaraang Hunyo sa Nakama, Fukuoka Prefecture na naiwan din sa nakalock na bus sa loob ng 9 na oras. Ang insidente ay nagtulak sa welfare ministry na magpadala ng paunawa sa mga lokal na munisipalidad upang matiyak na ang mga tamang hakbang upang maiwasan ang mga katulad na insidente.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
- News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
- News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”
- News(Tagalog)2024/12/02Ni-raid ng mga pulis ang 4 na lugar na nauugnay sa grupong Vietnamese na pinaghihinalaang nag-shoplift sa Japan