今週の動画

JAPAN PLANONG ALISIN ANG ENTRY CAP SA LALONG MADALING PANAHON

Sinusuri ng Japan ang patakaran sa pagkontrol sa hangganan nito na panatilihing mababa sa 50,000 ang pang-araw-araw na mga entry at aalisin ito sa malapit na hinaharap sabi ng isang tagapagsalita ng gobyerno noong Linggo.

Ayon sa Nikkei Asia, sabay-sabay na luluwagan ng gobyerno ang iba pang mga paghihigpit katulad ng visa at ang pangangailangan na magbook ng isang package tour kapag ganap nitong inalis ang pang-araw-araw na limitasyon sa mga manlalakbay papuntang Japan, sinabi ni Deputy Chief Cabinet Secretary Seiji Kihara sa isang programa sa Fuji Television.

Ang mahigpit na mga pagkontrol ng COVID-19 sa bansa ay unti-unting pinaluwag na halos dalawang tao pinatupad ng gobyerno ng Japan. Kamakailan lamang, ang pang-araw-araw na entry cap ay itinaas sa 50,000 mula sa 20,000 at ang mga papasok na turista ay pinapayagang maglakbay sa mga paglilibot nang walang gabay.

Sa nalalapit na taglagas at taglamig, mas maraming dayuhan ang nahihikayat na bumisita sa Japan. Hindi dapat mahuli ang Japan sa pag-akit ng mga dayuhang turista, lalo na sa panahon na ang kahinaan ng Japanese currency dagdag niya.

Ang entry cap ay itinaas ng unti-unti mula noong Marso upang umabot sa 20,000 noong Hunyo, kahit na ang lahat ng mga dayuhang turista sa Japan ay kinakailangan pa ring kumuha ng mga visa at hiniling na magsuot ng mga face mask sa kanilang paglalakbay.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!