今週の動画

DATING BABY SITTER MAKUKULONG NG 20 TAON DAHIL SA PANG-AABUSO SA 20 BATANG LALAKI

Hinatulan ng hanggang 20 taon na pagkakabilanggo ng Tokyo District Court si Akinori Hashimoto, 31, dahil sa pang-aabuso sa 20 bata na nasa edad 5 hanggang 11 noong siya ay isang baby sitter.
Sa ulat ng Kyodo News, sapilitang nakikipagtalik at gumawa ng mahahalay na gawain sa mga bata si Hashimoto mula 2015 hanggang 2020. Isang lisensiyadong nursery school teacher, nakilala ni Hashimoto ang kanyang mga biktima sa pamamagitan ng app na naghahanap ng mga baby sitters.
Sinabi ni Judge Masanori Kodama sa kanyang desisyon na ginamit ni Hashimoto ang kanyang posisyon para gawin ang krimen at nasanay siya sa ganoong mga gawain. Binigyan din ng korte ng halaga ang maaaring maging epekto nito sa mga biktima sa pagbibigay ng 20 taon hatol.

Follow me!

この記事を書いた人

アン ペドリガルアギナルド ロッシェル
アン ペドリガルアギナルド ロッシェル