LEGALIDAD NG PAGLILIMITA SA PAGLALARO NG VIDEOS PINAGTIBAY NG KORTE
Pinanigan ng Takamatsu District Court ang legalidad ng lokal na ordinansa na nagbibigay ng limitasyon sa paglalaro ng video games sa mga bata kontra sa mag-ina na naghabla na nilalabag nito ang karapatan na pumili at maging masaya.
Sa ulat ng Kyodo News, nagsampa ng 1.6 milyon yen na danyos ang ina at anak nito na nasa high school dahil sa paglabag umano ng ordinansa sa Artikulo 13 ng Saligang Batas na gumagarantiy sa karapatan pumili at sundin ang kung ano ang ikasasaya ng isang tao.
Matatandaan na inimplementa ang lokal na ordinansa sa Kagawa Prefecture noong Abril 2020 kung saan hinihikayat ang bawat pamilya na payagan lamang ang mga bata na nasa edad 18 pababa na maglaro ng hanggang 60 minuto kada araw kapag may pasok at 90 minuto kada araw kapag walang pasok sa paaralan.
Pinapayuhan din ang magulang na limitahan ang online game playing ng hanggang alas-nuwebe ng gabi para sa mga nasa junior high school at hanggang alas-10 ng gabi sa mga mas may edad na mag-aaral.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2022/09/07Isang Miyembro ng City Council arestado sa hinalang pag-stalk sa babaeng nasa edad na 40
- News(Tagalog)2022/09/06LALAKI ARESTADO SA TANGKANG PAGNANAKAW
- News(Tagalog)2022/09/05PILIPINA ARESTADO SA PAGTAPON NG BANGKAY NG SANGGOL SA INIDORO
- News(Tagalog)2022/09/02MAGNANAKAW NG PANLOOB NA DAMIT NG BABAE ARESTADO