今週の動画

LALAKI ARESTADO MATAPOS MASANGKOT SA ‘PAPAKATSU’

Inaresto ng mga pulis sa Nagareyama, Chiba Prefecture si Kiyoshi Nishiyama, 31, matapos na masangkot sa mahalay na gawain kasama ang isang 14-taong-gulang na babae sa isang love hotel nitong Hulyo.
Sa ulat ng Japan Today, nagkakilala ang dalawa sa social network site at nagkasundo na magkita sa isang hotel sa Ibaraki Prefecture. Nangako ang suspek na babayaran niya ang babae para sa kanyang oras.
Inaresto si Nishiyama ng mga pulis matapos na tumawag ang magulang ng babae at sinabing sangkot ang anak sa “papakatsu” o ang pagbabayad sa isang babae para sa pagsama sa mas matandang lalaki.
Umamin ang suspek sa kahalayang ginawa sa batang babae ngunit kanyang idiniin na hindi niya alam na menor de edad ang biktima kundi nasa edad 18 pataas.

Follow me!

この記事を書いた人

アン ペドリガルアギナルド ロッシェル
アン ペドリガルアギナルド ロッシェル