今週の動画

TATLONG KATAO PATAY SA HINIHINALANG MURDER-SUICIDE SA MIYAGAI

Natagpuang patay ang tatlong katao sa kanilang tahanan sa Shichigahama, Miyagi Prefecture nitong Agosto 28 na pinaghihinalaang bunga ng murder-suicide.
Ayon sa ulat ng Kyodo News, natagpuang wala ng buhay sina Masaru Atami, 70, ang kanyang asawa na si Ichie, 49, at kapatid ni Masaru na si Mitsu, 73 bandang ala-una ng hapon ng isang kamag-anak.
Sa imbestigasyon ng mga pulis, sinakal sina Masaru at Mitsu na parehong natagpuan ang mga labi sa kanilang kwarto sa ikalawang palapag habang may saksak sa leeg at pulso si Ichie na natagpuan naman sa bathtub.
Hinala ng mga pulis na pinatay ni Ichie ang magkapatid na parehong maysakit bago ito nagpakamatay.

Follow me!

この記事を書いた人

アン ペドリガルアギナルド ロッシェル
アン ペドリガルアギナルド ロッシェル