SUSHI CHEF AKSIDENTENG NAKAHULOG NG MGA KUTSILYO SA TREN, MGA PASAHERO NAGKAGULO
Nagkagulo ang ilang mga pasahero sa tren matapos na aksidenteng mahulog sa bag ng isang 54-taong-gulang na sushi chef ang kanyang mga gamit na kutsilyo sa trabaho noong Agosto 26.
Ayon sa ulat ng The Mainichi, sinabi ng Keikyu Corp., train operator, na mayroong isang pasahero ang agad na pumindot sa emergency button matapos malaglag ang mga kutsilyo sa Airport Line. Agad namang tumigil sa Anamori-inari Station malapit sa Haneda Airport ang tren bandang 6:38 ng gabi habang nagkakagulo ang ilang pasahero.
Sa imbestigasyon ng Kamata Police Station, tatlong kutsilyo ang aksidenteng nahulog sa bag ng sushi chef ng mag-panic ito dahil nakalagpas siya sa bababaang istasyon. Medyo lasing umano ang sushi chef ngunit hindi ito nasampahan ng kaso dahil napatunayan nitong legal ang paggamit niya ng mga naturang kutsilyo na para sa kanyang trabaho.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2022/09/07Isang Miyembro ng City Council arestado sa hinalang pag-stalk sa babaeng nasa edad na 40
- News(Tagalog)2022/09/06LALAKI ARESTADO SA TANGKANG PAGNANAKAW
- News(Tagalog)2022/09/05PILIPINA ARESTADO SA PAGTAPON NG BANGKAY NG SANGGOL SA INIDORO
- News(Tagalog)2022/09/02MAGNANAKAW NG PANLOOB NA DAMIT NG BABAE ARESTADO