今週の動画

JAPAN POPONDOHAN ANG TURISMO SA ILANG REHIYON SA BANSA

Plano ng Japan Tourism Agency (JTA) na patatagin ang turismo sa Japan sa pamamagitan ng pagpili sa mga tourist spots sa ilang mga rehiyon para hikayatin ang mga mayayamang turista na pumunta sa bansa.
Sa ulat ng NHK World-Japan, nais ng JTA na pumili ng 10 model areas na maaari nilang suportahan at i-develop upang maging destinasyon ng mga turista. Balak ng ahensiya na pondohan ang branding at promotion ng mga destinasyon na ito sa bansa para palakasin ang turismo.
Lumabas sa pag-aaral ng ahensiya na halos 28 milyon ang bumisita sa Japan noong 2019 at karamihan sa mga ito ay gumastos ng isang milyon yen sa kanilang pagbisita. Halos karamihan sa mga turista noon ay sa Tokyo lamang at Osaka madalas na nagpupunta kaya’t nais ng JTA na magkaroon ng iba pang magandang destinasyon na maaaring mapuntahan

この記事を書いた人

アン ペドリガルアギナルド ロッシェル

Follow me!