今週の動画

TRAVEL SUBSIDY PROGRAM IPAGPAPALIBAN MULI NG GOBYERNO

Muling ipagpapaliban ng gobyerno ng Japan ang pagpapatupad ng travel subsidy program para sa buong bansa dahil sa patuloy na pagkalat ng novel coronavirus.
Matatandaan na balak ng gobyerno na ibalik ang travel subsidy program nitong Hulyo sa pamamagitan ng pagbibigay ng diskwento ng hanggang 60 dollars kada araw.
Sa halip, ipagpapatuloy na lamang ang kasalukuyang travel subsidy sa bawat prepektura at kalapit na mga lugar hanggang katapusan ng Setyembre. Ayon sa ulat ng NHK World-Japan, patuloy na magbibigay ng diskwento ang gobyerno sa mga bibiyahe sa loob ng bawat prepektura at makakatanggap din ng coupons para pambili ng souvenirs.
Ibabalik ng gobyerno ang pambansang travel subsidy program kapag mas umayos na ang sitwasyon at bumaba na ang bilang ng mga kaso ng COVID-19.

この記事を書いた人

アン ペドリガルアギナルド ロッシェル
アン ペドリガルアギナルド ロッシェル

Follow me!