今週の動画

MAG-INA NATAGPUANG PATAY SA KANILANG APARTMENT SA OSAKA

Puno ng saksak sa katawan ang mag-ina na kinilalang si Manami Aramaki, 29, at anak niyang babae na si Ririi, tatlong-taong-gulang, sa kanilang apartment sa Sakai, Osaka Prefecture nitong Agosto 24.
Ayon sa ulat ng Kyodo News, pinaghahanap na ng mga pulis ang suspek, ang asawa ni Manami, na isang Brazilian national, 33, na humingi umano ng dalawang linggo na bakasyon sa kanyang pinagtatrabahuhan dahil umano sa isang aksidente.
Sa imbestigasyon ng mga pulis, sinaksak si Manami ng 10 beses sa itaas na bahagi ng kanyang katawan at puro pasa rin ang mukha habang ilang saksak din ang tinamo ng kanyang anak na babae. Nakakandado ang apartment ng dumating ang mga pulis matapos na tumawag ang ama ni Manami dahil hindi matawagan ang anak.
Pinaghahanap pa rin ng mga pulis ang kinaroroonan ng asawa ng biktima.

Follow me!

この記事を書いた人

アン ペドリガルアギナルド ロッシェル
アン ペドリガルアギナルド ロッシェル