今週の動画

JAPAN BINABAAN NA ANG TRAVEL WARNING SA PILIPINAS

Binago na ng gobyerno ng Japan ang travel warning na kanilang ibinaba sa Pilipinas bunsod ng pandemiya at hindi na rin nito pinagbabawalan ang kanilang mga mamamayan na bumiyahe sa Southeast Asian nations.

Sa ulat ng Filipino-Japanese Journal, ibinaba ng Ministry of Foreign Affairs (MOFA) ang travel warning sa Pilipinas at sa 53 pang bansa mula sa Level 2 (iwasan ang pagbiyahe) sa Level 1 (mag-ingat sa pagbiyahe.

Pinapaalalahanan pa rin ng MOFA ang mga nais magbiyahe sa ibang bansa na mag-ingat at magpabakuna upang maiwasang mahawa sa novel coronavirus.

この記事を書いた人

アン ペドリガルアギナルド ロッシェル

Follow me!