MGA DAYUHANG TATLONG BESES NABAKUNAHAN NG COVID-19 HINDI NA KAILANGANG MAGPAKITA NG COVID-19 TEST RESULT SA JAPAN
Sinabi ni Prime Minister Fumio Kishida na hindi na kailangang magpakita ng negatibong COVID-19 result ang mga dayuhan na papasok ng bansa kung nabakunahan na sila ng tatlong beses. Iimplimenta ito ng gobyerno sa mga papasok ng bansa simula Setyembre 7.
Ayon sa ulat ng Kyodo News, babaguhin na rin ang pagbibigay ng detalyadong coronavirus reporting system kung saan limitado na lamang ito sa mga matatanda at sa mga may malalang sintomas, at nakasalalay sa bawat munisipalidad. Magkakaroon pa rin ng mga impormasyon sa bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 kada araw.
Ang hakbang na ito ng gobyerno ay para umano pagaanin ang pasan na trabaho ng mga ospital at local health centers lalo na’t tumataas ang bilang ng mga bagong kaso dahil sa Omicron.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2022/09/07Isang Miyembro ng City Council arestado sa hinalang pag-stalk sa babaeng nasa edad na 40
- News(Tagalog)2022/09/06LALAKI ARESTADO SA TANGKANG PAGNANAKAW
- News(Tagalog)2022/09/05PILIPINA ARESTADO SA PAGTAPON NG BANGKAY NG SANGGOL SA INIDORO
- News(Tagalog)2022/09/02MAGNANAKAW NG PANLOOB NA DAMIT NG BABAE ARESTADO