今週の動画

MATANDA NA WALANG SUOT NA MASK SA TRAIN SINUNTOK NG LALAKI

Inaresto ng mga pulis sa Fukuoka ang isang 41-taong-gulang na lalaki matapos na suntukin ang kapwa pasaherong babae, na nasa edad 82, sa loob ng tren sa JR Kagoshima Main Line nitong Agosto 22 dahil hindi ito nakasuot ng face mask.

Ayon sa ulat ng Kyodo News, inamin ng suspek na si Daichi Nakamura, residente ng Osaka, ang paratang sa kanya na naganap bandang alas-10 ng umaga habang parating sa Takeshita Station sa Hakata Ward ng Fukuoka City.

Sa imbestigasyon ng mga pulis, sinigawan at sinuntok sa likod ng ulo ni Nakamura ang matandang babae, na mula sa Tosu City sa Saga Prefecture, ng makita niya na hindi ito nakasuot ng face mask. Wala namang natamo na seryosong sugat ang matandang babae.

Follow me!

この記事を書いた人

アン ペドリガルアギナルド ロッシェル
アン ペドリガルアギナルド ロッシェル