今週の動画

JAPAN PLANONG MAS LUWAGAN ANG PAGPAPAPASOK NG MGA DAYUHAN SA BANSA

Plano ng Japan na mas luwagan na ang pagpapapasok ng mga dayuhan sa bansa sa pamamagitan ng hindi na pagre-require ng negatibong COVID-19 test result basta nabakunahan na ng tatlong beses.

Sa ulat ng Kyodo News, nais din ng Japan na taasan ang bilang ng mga pumapasok sa bansa mula sa 20,000 kada araw sa 50,000 kada araw. Balak din ng gobyerno na buksan sa mga dayuhang turista ang bansa na walang tour guides.

Matatandaan na nitong Hunyo 10 ay nagbukas ang bansa sa mga turista na mula sa 98 bansa ngunit sa ilalim ng “guided package tours.” Kabilang sa mga pinayagang turista ay mula sa mga bansang Estados Unidos, Britain, China, South Korea, Indonesia at Thailand.

Nakatakdang ianunsiyo ni Prime Minister Fumio Kishida ang ilang mga pagbabago at panuntunan tungkol sa pagluluwag na ito sa mga susunod na araw.

この記事を書いた人

アン ペドリガルアギナルド ロッシェル

Follow me!