今週の動画

DALAWANG KATAO PATAY NANG TUMAGILID AT MASUNOG ANG ISANG BUS SA NAGOYA EXPRESSWAY

Dalawang katao ang kumpirmadong patay habang pitong katao naman ang sugatan nang tumigilid at masunog ang isang bus sa Nagoya Expressway sa Nagoya Kita Ward bandang 10:15 ng umaga nitong Agosto 22. 

Sa ulat ng The Mainichi, naganap ang insidente malapit sa Toyoyama-minami interchange ng Komaki Route ng Nagoya Expressway. Agad na naapula ang apoy at pansamantalang inihinto ang pagpapasok ng mga sasakyan sa pagitan ng Kusunoki junction at Komaki-kita interchange.

Ayon sa Aoi Traffic Corp., ang bus operator, na naka-base sa Komaki sa Aichi Prefecture, na nagmula sa Sakae area ng Nagoya ang bus at papunta sana ng Nagoya Airport nang maganap ang insidente.

Follow me!

この記事を書いた人

アン ペドリガルアギナルド ロッシェル
アン ペドリガルアギナルド ロッシェル