JAPAN PM KISHIDA NAGPOSITIBO SA COVID-19
Nagpositibo sa COVID-19 si Japanese Prime Minister Fumio Kishida nitong Agosto 21 ngunit sinat lamang at ubo ang nararamdaman nitong sintomas. Pabalik na sana sa pagtatrabaho si PM Kishida ngayong Agosto 22 matapos ang maiksing bakasyon.
Sa ulat ng Kyodo News, naka-isolate na ang 65-taong-gulang na lider ng Japan ngunit inaasahan na ipagpapatuloy nito ang kanyang mga tungkulin. Nakatakdang dumalo si PM Kishida sa Tokyo International Conference on African Development (TICAD) sa Tunisia sa Agosto 27 at 28 na maaaring daluhan niya online.
Maaaring kanselahin din ni PM Kishida ang plano niyang pagbisita sa Middle East matapos ng TICAD.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2022/09/07Isang Miyembro ng City Council arestado sa hinalang pag-stalk sa babaeng nasa edad na 40
- News(Tagalog)2022/09/06LALAKI ARESTADO SA TANGKANG PAGNANAKAW
- News(Tagalog)2022/09/05PILIPINA ARESTADO SA PAGTAPON NG BANGKAY NG SANGGOL SA INIDORO
- News(Tagalog)2022/09/02MAGNANAKAW NG PANLOOB NA DAMIT NG BABAE ARESTADO