今週の動画

15-TAONG-GULANG NA ESTUDYANTE NANAKSAK, ARESTADO

Arestado ang isang estudyante mula sa junior highschool, na nasa edad 15, taga-Toda, Saitama, matapos saksakin ang dalawang katao sa Shibuya district sa Tokyo. Nakuha sa suspek ang tatlong kutsilyo nang maaresto ng mga pulis.

Sa ulat ng Kyodo News, sinaksak ng estudyante ang isang 53-taong-gulang na babae at anak nitong nasa edad 19 mula sa likod sa Maruyama-cho, Shibuya Ward malapit sa Shibuya Station. Labis na nasugatan ang mag-ina at kinakailangang magpagaling ng halos tatlong buwan.

Itinanggi ng estudyante na problema sa bahay o paaralan ang dahilan ng kanyang pananaksak. Patuloy pa ang mga pulis sa pag-imbestiga ng kaso.

Follow me!

この記事を書いた人

アン ペドリガルアギナルド ロッシェル
アン ペドリガルアギナルド ロッシェル