今週の動画

SIYAM NA KALALAKIHAN SASAMPAHAN NG KASO MATAPOS MAGSAGAWA NG ORGY KASAMA ANG MENOR DE EDAD NA BABAE

Pormal ng sasampahan ng kaso ng Kanagawa Prefectural Police ang siyam na kalalakihan na sangkot umano sa pagsasagawa ng orgy kasama ang isang 17-taong-gulang na babae sa isang hotel sa Tokyo nitong Hunyo 2020.

Sa ulat ng Kyodo News, nagpadala na ng mga dokumento ang mga pulis sa public prosecutor’s office para sa paglabag sa Child Welfare Act ng siyam na lalaki. 

Lumabas sa imbestigasyon ng mga pulis na ang ilan sa mga kinasuhan ay ang organizer ng orgy, isang photographer, at mga nagbayad para makasali na ang ilan ay isang miyembro ng Ground Self-Defense Force (GSDF), doktor, Buddhist priest, at guro. Mayroon din umanong kasali na iba pang mga kababaihan bukod sa nasabing menor de edad na babae, na napilitan umano gumawa ng sexual acts.

Dagdag pa ng mga pulis, tinatayang nasa 50-60 orgies na ang naisagawa ng organizer sa Tokyo at Osaka na nakakakuha ng mga gustong sumali sa pamamagitan ng pagpapaskil ng impormasyon sa social networking sites (SNS).

Follow me!

この記事を書いた人

アン ペドリガルアギナルド ロッシェル
アン ペドリガルアギナルド ロッシェル