今週の動画

MGA DAYUHAN NA BUMISITA SA JAPAN NITONG HULYO UMABOT SA MAHIGIT 100,000

Umabot sa mahigit 100,000 ang mga dayuhan na bumisita sa Japan nitong Hulyo. Ito na ang ikaapat na magkakasunod na buwan na lumagpas sa 100,000 ang bilang ng foreign arrivals simula nang luwagan ng gobyerno ang pagpapapasok muli ng mga dayuhan sa bansa.

Sa ulat ng Kyodo News, mas mataas ng 2.8 porsyento ang bilang ng mga pumasok na dayuhan sa bansa nitong Hulyo kumpara nitong nakaraang buwan na pumatak sa 144,500. 

Pinakamaraming dayuhan ang nagmula sa Vietnam na nasa 22,700, sinundan ito ng South Korea na nasa 20,400, at China na nasa 14,800. Karamihan sa mga ito ay mga technical interns, negosyante at estudyante habang nasa 7,903 naman ang bilang ng mga dayuhang turista.

Ayon sa Japan National Tourism Organization (JNTO), pumatak naman sa 7,412 ang mga dayuhang turista na nagsumite ng aplikasyon para makapasok sa Japan mula Agosto 12 hanggang Agosto 31.

この記事を書いた人

アン ペドリガルアギナルド ロッシェル

Follow me!