ANA NAGPAPLANONG MAG-ALOK NG LUXURY TOURS SA MAYAYAMANG DAYUHANG TURISTA
Pinaplano ng ANA Holdings Inc., isa sa mga pangunahing airline sa Japan, at iba pang kumpanya na mag-alok ng luxury tours para sa mga mayayamang dayuhang turista.
Sa ulat ng Jiji Press, layon nito na makatulong sa pagpapalagong muli ng turismo at negosyo sa bansa kung saan kabilang sa naturang tours ang mahigit isang linggo na pagbabiyahe sa bansa lulan ng private jet, at pagpunta sa iba’t ibang destinasyon na may kinalaman sa kasaysayan, kultura, at kalikasan.
Bukod sa ANA, kinukunsidera rin ng Nippon Travel Agency Co., Snow Peak Inc., lungsod ng Tajimi sa Gifu, at Regional Revitalization and Inbound Tourism Council ang pagtulong sa pag-aalok ng luxury tours.
Nakatakda silang pumili ng 10 destinasyon sa iba’t ibang bahagi ng Japan para sa luxury tours bago matapos ang taon at opisyal itong iaalok sa mga dayuhang turista sa unang bahagi ng 2023.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2022/09/07Isang Miyembro ng City Council arestado sa hinalang pag-stalk sa babaeng nasa edad na 40
- News(Tagalog)2022/09/06LALAKI ARESTADO SA TANGKANG PAGNANAKAW
- News(Tagalog)2022/09/05PILIPINA ARESTADO SA PAGTAPON NG BANGKAY NG SANGGOL SA INIDORO
- News(Tagalog)2022/09/02MAGNANAKAW NG PANLOOB NA DAMIT NG BABAE ARESTADO