BILANG NG SUICIDES SA JAPAN TUMAAS NG 8,000
Tumaas ng 8,088 ang bilang ng mga kaso ng suicide sa Japan mula Marso 2020 hanggang Hunyo 2022 kung saan isa sa mga itinuturong dahilan ay ang pandemiya.
Batay sa ulat ng Kyodo News, umabot sa humigit-kumulang sa 21,000 ang bilang ng mga nagpatiwakal sa Japan sa parehong taon ng 2020 at 2021.
Pinakamataas na bilang ay mula sa mga nasa edad 20 pataas na umabot sa 1,837, 1,092 sa mga ito ay mga kababaihan. Nasa 377 naman ang bilang ng mga nag-suicide na nasa edad 19 pababa, 282 sa mga ito ay mga kababaihan.
Ang numero ay batay sa pag-aaral na ginawa ng mga grupo ng tagapagsaliksik kabilang na si Taisuke Nakata, na isang associate professor ng University of Tokyo. Bukod sa pandemiya, ilan sa tinitingnan na dahilan ay ang labis na paghihirap at ang kawalan ng trabaho.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2022/09/07Isang Miyembro ng City Council arestado sa hinalang pag-stalk sa babaeng nasa edad na 40
- News(Tagalog)2022/09/06LALAKI ARESTADO SA TANGKANG PAGNANAKAW
- News(Tagalog)2022/09/05PILIPINA ARESTADO SA PAGTAPON NG BANGKAY NG SANGGOL SA INIDORO
- News(Tagalog)2022/09/02MAGNANAKAW NG PANLOOB NA DAMIT NG BABAE ARESTADO