今週の動画

BILANG NG MGA NAMAMATAY SA COVID-19 SA JAPAN, TUMATAAS

Pumapatak sa humigit-kumulang sa 200 ang bilang ng mga namamatay sa COVID-19 nitong buwan ng Agosto matapos na pumasok ang Japan sa “seventh wave of infection” bunsod ng BA.5 omicron subvariant.
Sa ulat ng Japan Times, sinabi ng health ministry na umabot sa 250 ang bilang ng mga namatay sa COVID-19 nitong Agosto 9 at simula noon ay hindi na ito bumaba sa 200. Umabot sa 215 ang bilang ng mga namatay nitong Agosto 15.
Matatandaan na umabot sa pinakamataas na bilang na 277 ang namatay sa COVID-19 nitong Pebrero 22 ngunit nagsimula itong bumaba sa loob ng apat na buwan simula Abril na hindi hihigit sa 100. Bumalik sa mahigit 100 ang bilang nitong Hulyo 26 at patuloy na tumaas sa 200 nitong Agosto.

この記事を書いた人

アン ペドリガルアギナルド ロッシェル
アン ペドリガルアギナルド ロッシェル

Follow me!