今週の動画

LALAKI ARESTADO SA BANTANG PAGPATAY KAY PM KISHIDA

Inaresto ng mga pulis ang 51-taong-gulang na lalaki, na kinilalang si Satoshi Yamagishi, sa Saitama matapos na tumawag sa 110 at magbantang papatayin nito si Japanese Prime Minister Fumio Kishida.

Ayon sa ulat ng Kyodo News, tumawag si Yamagishi sa 110 bandang 7:30 ng gabi noong Agosto 10. Natukoy ng mga pulis na ginamit ng suspek ang numero ng kanyang landline sa pagtawag. Mariin naman itong itinanggi ni Yamagishi.

Wala naman natagpuan na armas sa bahay ni Yamagishi o ilang mga bagay na may kinalaman sa pulitika o relihiyon.

この記事を書いた人

アン ペドリガルアギナルド ロッシェル

Follow me!