今週の動画

LASING NA PULIS NA NAKATULOG SA KALSADA NAIWALA ANG MGA DOKUMENTO SA HAWAK NA KASO

Naiwala ng isang imbestigador sa Kobe ang mga dokumento na naglalaman ng mga pangalan ng isang suspek sa isang krimen at 400 na katao na may kinalaman sa kaso at iba pang impormasyon. Ito ay matapos niyang makipag-inuman sa dalawang kapwa pulis at makatulog sa kalsada.

Sa ulat ng Kyodo News, nakipag-inuman ang imbestigador bandang 8:30 ng gabi nitong Agosto 12 sa isang izakaya bar sa Nishinomiya at natapos bandang 11 ng gabi. Paggising niya kinabukasan ng 5:00 ng umaga ay wala na ang kanyang bag na naglalaman ng mga dokumento.

Pinagbabawalan ang mga ka-pulisan na magdala ng mga dokumento sa trabaho ng walang pahintulot. Inamin ng nalasing na imbestigador na dumiretso na siya sa inuman at hindi na ibinalik ang mga dokumento sa opisina.

この記事を書いた人

アン ペドリガルアギナルド ロッシェル
アン ペドリガルアギナルド ロッシェル

Follow me!