今週の動画

BILANG NG COVID-19 SA JAPAN PINAKAMATAAS SA BUONG MUNDO SA IKATLONG MAGKAKASUNOD NA LINGGO

Ibinunyag ng World Health Organization (WHO) na naitalang muli ng Japan ang pinakamataas na bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa buong mundo sa ikatlong magkakasunod na linggo.
Sa ulat ng NHK World-Japan, pumatak sa 1,496,968 ang mga bagong kaso sa bansa simula Agosto 1 hanggang Agosto 7, na mas mataas ng siyam na porsyento kumpara noong nakaraang linggo. Nasa 6,980,516 ang mga bagong kaso ng COVID-19 na naitala sa buong mundo.
Umabot naman sa 1,002 ang mga namatay sa bansa sa kaparehong linggo, na mas mataas ng 53 porsyento kumpara noong nakaraang linggo. Ang naturang bilang ang ikaapat na pinakamataas kasunod ng Estados Unidos, Brazil at Italy.

この記事を書いた人

アン ペドリガルアギナルド ロッシェル

Follow me!