今週の動画

POLICE INSPECTOR ARESTADO MATAPOS PATAGONG KUHANAN NG VIDEO ANG ISANG BABAE

Arestado ang 45-taong-gulang na police inspector na kinilalang si Makoto Okada matapos na patagong kuhanan ng video ang palda ng isang babae habang nasa escalator.

Sa report ng Kyodo News, naganap ang insidente bandang alas-onse ng gabi nitong Agosto 12 sa Keisei Chiba Station kung saan nakatayo ang suspek sa likod ng biktima habang kinukuhanan nito ng video gamit ang kanyang smartphone camera.

Napansin ito ng isa pang lalaki at sinita ang suspek, na agad na tumakbo patungong ticket gate ngunit nahuli pa rin siya ng mga awtoridad. Lasing si Okada ng gabing iyon at itinanggi ang alegasyon laban sa kanya.

Follow me!

この記事を書いた人

アン ペドリガルアギナルド ロッシェル
アン ペドリガルアギナルド ロッシェル