今週の動画

BILANG NG MGA TURISTA NA BUMISITA SA JAPAN NITONG HUNYO AT HULYO UMABOT SA 8,000

Ibinunyag ng Immigration Services Agency ng Japan na umabot lamang sa 8,000 ang bilang ng mga dayuhang turista na bumisita sa bansa nitong buwan ng Hunyo at Hulyo. Ito ay sa gitna ng pagluluwag ng Japan, na handang tumanggap ng 20,000 katao kada araw.
Sa ulat ng NHK World-Japan, pinapayagan na ng Japan na bumisita ang mga turista mula sa 102 bansa kabilang na ang Estados Unidos, South Korea, at China ngunit sa pamamagitan lamang ng group tours.
Nasa 252 dayuhang turista lamang ang bumisita sa Japan nitong Hunyo habang nasa 7,900 naman nitong Hulyo. Bago ang pandemiya, umaabot sa 30 milyon ang bumibisita sa bansa kada taon.

この記事を書いた人

アン ペドリガルアギナルド ロッシェル
アン ペドリガルアギナルド ロッシェル

Follow me!