今週の動画

MURDER, SUICIDE ITINUTURONG DAHILAN NG PAGKAMATAY NG ANIM NA MIYEMBRO NG DALAWANG PAMILYA

Patay ang anim na miyembro ng dalawang magkaibang pamilya sa mga prepektura ng Aichi at Saitama na ang itinuturong dahilan ay murder at suicide batay sa isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad.
Ayon sa ulat ng The Mainichi, natagpuang patay ang tatlong miyembro ng pamilya sa loob ng sasakyan sa Inuyama, Aichi – siyam-na-taong-gulang na batang babae, anim-na-taong-gulang na batang lalaki at ang kanilang 42-taong-gulang na nanay. Pinaghahanap ng mga pulis ang asawa o tatay ng mga biktima.
Patay din sa loob ng kanilang tahanan sa Saitama ang mag-asawa na nasa edad 40s at anak na babae sa elementarya habang dinala sa ospital ang anak na lalaki na nasa high school na. Pinaniniwalaang suicide ang ikinamatay ng tatlo.

Follow me!

この記事を書いた人

アン ペドリガルアギナルド ロッシェル
アン ペドリガルアギナルド ロッシェル