今週の動画

TATLONG ITIM NA OSO NAKITA SA KAKALSADAHAN NG AKITA

Binalaan ng gobyerno ang mga nagmamaneho sa ruta na nagkokonekta sa mga prepektura ng Akita at Iwate matapos na may mamataan na tatlong itim na oso sa kalsada noong Agosto 8.

Sa ulat ng The Mainichi, tatlong itim na oso ang nakita sa Hachimantai Aspite Line malapit sa Hachimantai Visitor Center sa lungsod ng Akita. Naghahanap umano ang mga oso ng pagkain dahil ito ang panahon kung saan kakaunti ang mga pagkain na maaari nilang makuha.

Hindi umano takot ang tatlong oso sa mga dumadaan na sasakyan. Tinatayang nasa dalawa hanggang tatlong-taong-gulang ang mga namataan na oso.

Follow me!

この記事を書いた人

アン ペドリガルアギナルド ロッシェル
アン ペドリガルアギナルド ロッシェル