DALAWANG KATAO SUGATAN SA PAG-ATAKE NG DOLPHINS SA FUKUI
Isang 39-taong-gulang na babae at isang 50-taong-gulang na lalaki ang nasugatan habang lumalangoy sa isang beach resort sa Ayukawa, Fukui matapos atakihin ng dolphin, ayon sa Fukui Coast Guard Station.
Sa ulat ng Asahi Shimbun, lumalangoy ang babae may 15 metro ang layo sa pampang nang bigla itong tamaan sa likod ng dolphin at kinagat ang kaliwang kamay nito. Sinubukan naman itong tulungan ng lalaki, na mula sa Sakai, Fukui, ngunit kinagat din ito ng dolphin.
Naganap ang insidente bandang 11:40 ng umaga noong Agosto 7 matapos na may tumawag sa mga awtoridad upang humingi ng tulong. Ilang kaso na ng pag-atake ng dolphins sa mga manlalangoy ang naitala nitong Hulyo sa prepektura.
Nagbabala naman ang mga awtoridad na huwag hawakan o lapitan ang mga dolphins sakaling makita ito sa dagat.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2022/09/07Isang Miyembro ng City Council arestado sa hinalang pag-stalk sa babaeng nasa edad na 40
- News(Tagalog)2022/09/06LALAKI ARESTADO SA TANGKANG PAGNANAKAW
- News(Tagalog)2022/09/05PILIPINA ARESTADO SA PAGTAPON NG BANGKAY NG SANGGOL SA INIDORO
- News(Tagalog)2022/09/02MAGNANAKAW NG PANLOOB NA DAMIT NG BABAE ARESTADO