今週の動画

JAPAN PINAKAMARAMI PA RIN KASO NG COVID-19 SA BUONG MUNDO

Ang Japan pa rin ang nagtala ng pinakamaraming kaso ng COVID-19 sa buong mundo sa loob ng dalawang magkasunod na linggo ayon sa World Health Organization (WHO).
Sa ulat ng NHK World-Japan, naglabas ng panibagong talaan ang WHO nitong Agosto 3 at lumabas na nagtala ang Japan ng 1,379,099 kaso ng COVID-19 noong Hulyo 25 hanggang Hulyo 31, mataas ng 42 porsyento sa nakaraang linggo. Sinundan ito ng Estados Unidos na mayroong 923,366 mga kaso at South Korea na mayroong 564,437 mga kaso.
Umabot na sa 6,565,679 ang mga bagong kaso ng COVID-19 sa buong mundo, na mas mababa naman ng siyam na porsyento kumpara noong nakaraang linggo.

この記事を書いた人

アン ペドリガルアギナルド ロッシェル
アン ペドリガルアギナルド ロッシェル

Follow me!