200,000 RESIDENTE SA NORTHERN JAPAN PINAPALIKAS DAHIL SA MALAKAS NA BUHOS NG ULAN
Pinapalikas ng gobyerno ang may 200,000 residente sa limang rehiyon na kinabibilangan ng Niigata, Yamagata, Fukushima, Ishikawa at Fukui bunsod nang malakas na pagbuhos ng ulan sa mga naturang lugar.
Sa ulat ng AFP, sinabi ni Hirokazu Matsuno, tagapagsalita ng gobyerno, na dalawang katao na ang naitalang nawawala habang mayroong mga tulay at dike ang bumigay bunsod ng ulan. Malaki rin umano ang tsansa na magkaroon ng baha at landslide.
Sinuspinde rin ang operasyon ng ilang shinkansen bullet trains sa mga apektadong lugar. Ayon sa mga eksperto, lalong lumalakas ang pagbuhos ng ulan sa Japan dahil sa climate change.
Matatandaan na tinatayang nasa 200 katao ang namatay sa western Japan dahil sa pagbaha at landslide noong 2018.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2022/09/07Isang Miyembro ng City Council arestado sa hinalang pag-stalk sa babaeng nasa edad na 40
- News(Tagalog)2022/09/06LALAKI ARESTADO SA TANGKANG PAGNANAKAW
- News(Tagalog)2022/09/05PILIPINA ARESTADO SA PAGTAPON NG BANGKAY NG SANGGOL SA INIDORO
- News(Tagalog)2022/09/02MAGNANAKAW NG PANLOOB NA DAMIT NG BABAE ARESTADO