INA NG DALAWANG BATA NA NAMATAY SA HEATSTROKE NANG INIWAN SA LOOB NG SASAKYAN, ARESTADO
Inaresto ng mga pulis ang 21-taong-gulang na ina ng dalawang bata na namatay dahil sa heatstroke matapos na maiwan sa loob ng sasakyan noong Hulyo 29.
Sa ulat ng Kyodo News, inaresto ng mga pulis sa Atsugi sa Kanagawa Prefecture si Reina Nagasawa dahil sa kapabayaan sa kanyang dalawang anak, na dalawang-taong-gulang at isang-taong-gulang, na naging sanhi ng pagkamatay ng mga ito.
Matatandaan na sa unang pahayag ng suspek ay sinabi nito na pumunta sila sa Bosai no Oka Park ngunit natutulog pa ang dalawang bata kaya nanatili sila sa loob ng sasakyan kung saan pinatay niya ang aircon at binaba ang mga bintana. Tumawag siya sa 119 nang mawalan ng malay ang dalawang bata.
Umamin si Nagasawa na iniwan niya ang dalawang bata sa sasakyan sa loob ng isang oras para makipagkita sa isang kakilala.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2022/09/07Isang Miyembro ng City Council arestado sa hinalang pag-stalk sa babaeng nasa edad na 40
- News(Tagalog)2022/09/06LALAKI ARESTADO SA TANGKANG PAGNANAKAW
- News(Tagalog)2022/09/05PILIPINA ARESTADO SA PAGTAPON NG BANGKAY NG SANGGOL SA INIDORO
- News(Tagalog)2022/09/02MAGNANAKAW NG PANLOOB NA DAMIT NG BABAE ARESTADO