今週の動画

117 LIBRENG COVID-19 TESTING SITES NAITAYO NA PARA SA OBON HOLIDAYS

Libreng makakakuha ng COVID-19 tests sa 117 lokasyon ang mga mamamayan sa Japan sa pagdiriwang ng Obon mula Agosto 5 hanggang Agosto 18.
Sa ulat ng The Yomiuri Shimbun, hinihikayat umano ng gobyerno ang publiko na sumailalim sa antigen tests bago at pagkatapos bumiyahe upang maiwasan ang pagkalat ng virus lalo na sa mga matatanda na mas madaling mahawa.
Maaaring kumuha ng libreng tests ang mga nasa edd 10 pataas mula sa 77 istasyon kabilang na ang Tokyo at Shin-Osaka stations, 38 paliparan kabilang na ang Haneda Airport at Chubu Centrair International Airport, at dalawang highway areas.
Makikita ang listahan kung saan maaaring kumuha ng libreng COVID-19 tests sa website ng gobyerno.

Follow me!

この記事を書いた人

アン ペドリガルアギナルド ロッシェル
アン ペドリガルアギナルド ロッシェル