今週の動画

ISANG-TAONG-GULANG NA BATA BIKTIMA NG HIT-AND-RUN SA OSAKA

Patay ang isang-taong-gulang na bata na kinilalang si Mei Nakayama matapos mabundol ng sasakyan nitong Agosto 1 sa “Korea Town” ng Osaka.
Ayon sa ulat ng Mainichi Japan, bumibisita ang biktima kasama ng kanyang pamilya, na mula sa Minato Ward ng Nagoya, nang mabundol ang bata sa bahagi ng Korea Town kung saan bawal dumaan ang mga sasakyan. Tumakbo ang suspek sa insidente.
Kinalaunan ay inaresto ng Ikuno Police ang suspek na si Yoshikazu Koshiro, 74, at mula sa Higashiosaka ng Osaka Prefecture, matapos itawag at matandaan ng ina ng biktima ang plate number ng sasakyan sa mga pulis.
Inamin ng suspek na siya ang naging sanhi ng aksidente ngunit hindi niya umano alam na mayroon siyang nasagasaan na bata dahil hindi niya ito nakita. Dagdag pa ng suspek, tinakbuhan niya ang inidente dahil paso na ang registration at insurance ng kanyang sasakyan.

この記事を書いた人

アン ペドリガルアギナルド ロッシェル
アン ペドリガルアギナルド ロッシェル

Follow me!