今週の動画

LALAKI NA SANGKOT SA HIT-AND-RUN ARESTADO

Inaresto ng mga pulis si Akira Sasaki, 51 at isang empleyado, matapos na takbuhan ang nasagasaan na biktima na kinilalang si Yoshihisa Kumagaya, 20, noong Hulyo 30.
Sinabi sa ulat ng Japan Today na lumabas sa imbestigasyon ng mga pulis sa Niigata City na patawid ang biktima nang masagasaan ni Sasaki, na hindi huminto upang tingnan at dalhin sa ospital ang bitkima bandang 10:40 ng gabi.
Itinanggi ni Sasaki ang paratang laban sa kanya ngunit tiniyak ng mga pulis na sasakyan nga niya ang nasa pinangyarihan ng insidente batay sa nakalap na surveillance camera footage.

Follow me!

この記事を書いた人

アン ペドリガルアギナルド ロッシェル
アン ペドリガルアギナルド ロッシェル