今週の動画

SANGGOL NAMATAY, KAPATID NASA KRITIKAL NA KUNDISYON DAHIL SA HEATSTROKE

Namatay ang isang-taong-gulang na lalaki habang nasa kritikal na kundisyon naman ang dalawang-taong-gulang nitong kapatid na babae na maaaring dahil umano sa heatstroke. Ito ay matapos na manatili sa loob ng sasakyan sa kainitan ng panahon sa Atsugi, Kanagawa.
Sa ulat ng Mainichi Japan, sinabi ng ina ng mga bata sa mga pulis na pumunta sila sa Bousai no Oka Park nitong Hulyo 29 ngunit tulog pa ang dalawang bata kaya hinintay niya muna itong magising sa loob ng sasakyan. Pinatay niya ang aircon at binuksan ang mga bintana ng sasakyan.
Pagkaraan ng 30 minuto ay nanlata umano sila kaya tumawag siya sa local fire department bandang 4:50 ng hapon. Agad na dinala sa ospital ang dalawang bata na parehong walang malay. Sa kasalukuyan ay patuloy pang iniimbestigahan ng mga pulis ang kaso.

Follow me!

この記事を書いた人

アン ペドリガルアギナルド ロッシェル
アン ペドリガルアギナルド ロッシェル