JAPAN PINAKAMARAMING KASO NG COVID-19 SA BUONG MUNDO — WHO
Sinabi ng World Health Organization (WHO) na nanguna ang Japan sa pinakamaraming kaso ng COVID-19 sa buong mundo noong nakaraang linggo.
Sa ulat ng Kyodo, lumabas sa tala ng WHO na pumatak sa 969,000 ang mga kaso ng COVID-19 sa Japan na sinundan ng Estados Unidos na nasa 860,000 at Germany na nasa 570,000.
Tinatayang nasa 6.6 milyon ang mga bagong kaso ng COVID-19 sa buong mundo nitong nagdaang linggo, mataas ng 300,000 kumpara sa sinundan nitong linggo. Ito ay dahil sa kumakalat na BA.5 Omicron subvariant na madali umanong makahawa.
Ayon kay WHO chief Tedros Adhanom Ghebreyesus, matagal pa bago matapos ang COVID-19 kaya’t kailangan nang ibayong pag-iingat ng lahat.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2022/09/07Isang Miyembro ng City Council arestado sa hinalang pag-stalk sa babaeng nasa edad na 40
- News(Tagalog)2022/09/06LALAKI ARESTADO SA TANGKANG PAGNANAKAW
- News(Tagalog)2022/09/05PILIPINA ARESTADO SA PAGTAPON NG BANGKAY NG SANGGOL SA INIDORO
- News(Tagalog)2022/09/02MAGNANAKAW NG PANLOOB NA DAMIT NG BABAE ARESTADO