MGA AMBULANSIYA NAHIHIRAPAN MAGHANAP NG OSPITAL PARA SA MGA PASYENTE NG COVID-19
Pahirap nang pahirap ang paghahanap ng mga ambulansiya ng pagdadalhang ospital para sa mga pasyente na may COVID-19. Ito ay bunsod nang tumataas na bilang ng mga bagong kaso ng coronavirus.
Ayon sa Fire and Disaster Management Agency ng Ministry of Internal Affairs and Communications, umabot sa 6,035 kaso noong linggo ng Hulyo 24, mas mataas ng 46 porsyento o 1,896, kaya’t maraming mga ambulansiya ang halos mawalan ng pagdadalhang ospital.
Dagdag pa sa ulat ng Asahi Shimbun, ang 6,035 kaso na mga ito ay ang ikalawang pinakamataas na bilang simula Pebrero 20 kung saan nakapagtala ng 6,064.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2022/09/07Isang Miyembro ng City Council arestado sa hinalang pag-stalk sa babaeng nasa edad na 40
- News(Tagalog)2022/09/06LALAKI ARESTADO SA TANGKANG PAGNANAKAW
- News(Tagalog)2022/09/05PILIPINA ARESTADO SA PAGTAPON NG BANGKAY NG SANGGOL SA INIDORO
- News(Tagalog)2022/09/02MAGNANAKAW NG PANLOOB NA DAMIT NG BABAE ARESTADO