PINAKAMATAAS NA COVID-19 ALERT LEVEL ITATAAS SA OSAKA
Nakatakdang itaas ng Osaka sa pinakamataas na alert level matapos na umabot sa 25,762 ang mga bagong kaso ng COVID-19.
Ayon sa ulat ng Kyodo News, mula sa dilaw ay itataas sa pula ang alert level dahil na rin sa pagtaas ng hospital bed occupancy rate sa prepektura na pumatak na sa 49.6 porsyento.
Sinabi ni Osaka Gov. Hirofumi Yoshimura na muling paghihigpitan ang mga matatanda kapag naitaas na muli ang alert level habang papayagan pa rin ang operasyon ng mga negosyo kabilang na ang mga restaurants at bars.
Nasa 196,500 na ang bilang kada araw ng COVID-19 cases sa bansa, ang pangalawang pinakamataas matapos na pumatak sa 200,975 ang bilang noong nakaraang linggo.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2022/09/07Isang Miyembro ng City Council arestado sa hinalang pag-stalk sa babaeng nasa edad na 40
- News(Tagalog)2022/09/06LALAKI ARESTADO SA TANGKANG PAGNANAKAW
- News(Tagalog)2022/09/05PILIPINA ARESTADO SA PAGTAPON NG BANGKAY NG SANGGOL SA INIDORO
- News(Tagalog)2022/09/02MAGNANAKAW NG PANLOOB NA DAMIT NG BABAE ARESTADO