PAMILYA NG NAMATAY NA BABAE DAHIL SA COVID-19 VACCINATION BINAYARAN NG JAPAN NA AABOT SA 44.2-M YEN
Unang beses na nagbayad ang Japanese Health Ministry sa pamilya ng isang matandang babae na namatay nang magpabakuna ng COVID-19 vaccine.
Sinabi ng Ministry of Health, Labor and Welfare sa ulat ng Kyodo News na mayroon ng mga iniindang sakit ang 91-gulang na matanda at nagkaroon ito ng allergic reaction at
biglaang inatake sa puso nang magpabakuna.
Sa ilalim ng batas ng Japan, kapag napatunayan na may kinalaman ang bakuna sa pagkamatay ng isang mamayan ay maaari itong makatanggap ng compensation payment na aabot sa 44.2 milyon yen at 212,000 yen kontribusyon para sa gastos sa burol.
Tinatayang nasa 3,680 katao na ang nagsumite ng aplikasyon para sa compensation payment bunsod ng natamong side effects ng COVID-19 vaccine habang 1,700 kaso naman ang sinasabing nauwi sa kamatayan ngunit masusi pang pinag-aaralan ng health panel kung may kaugnayan nga ito sa bakuna.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2022/09/07Isang Miyembro ng City Council arestado sa hinalang pag-stalk sa babaeng nasa edad na 40
- News(Tagalog)2022/09/06LALAKI ARESTADO SA TANGKANG PAGNANAKAW
- News(Tagalog)2022/09/05PILIPINA ARESTADO SA PAGTAPON NG BANGKAY NG SANGGOL SA INIDORO
- News(Tagalog)2022/09/02MAGNANAKAW NG PANLOOB NA DAMIT NG BABAE ARESTADO